Thursday, June 11, 2009

Shopping Incident at SM Manila - BEWARE

From: *Lorimer Imperio *

Subject: *BABALA SA MGA MAHILIG MAGSHOPPING SA SM MANILA SA HARAP NG MANILA CITY HALL...*
Date: *Tue, 22 Nov 2005 18:16:53 -0800*

------------------------------
HINDI KO PO KAYO TINATAKOT. HINDI RIN PO ITO ISANG KWENTO LANG. HINDI PO
ITO BIRO... ITO PO AY TOTOONG NANGYARI SA AKIN, SA ANAK KO, AT SA ASAWA KO.





NOVEMBER 13, 2005 MORE OR LESS 3:00PM TO 4:00PM AT SM MANILA. NANDON PO
AKO, KASAMA ANG PAMILYA KO SA SM DEPARTMENT STORE. DUN PO SA MADAMING
LARUAN NA TINITINDA. TOYS LIKE BIKE FOR BABY, STAFF TOYS, ETC. I INSTRUCTED
THE SALES CLERK TO GET THEIR STOCK FOR THE BIKE THAT I HAVE CHOSEN FOR MY
BABY(1 YEAR OLD BABY). AFTER THAT, TINESTING NAMIN ANG BIKE AND THEN
BINAYARAN KO SA COUNTER.





DITO PO NAGSIMULA ANG ISTORYA NG AKTONG NAGBABAYAD NA AKO SA COUNTER. ISANG
MEDYO MATANDANG BABAE ANG LUMAPIT SA AKIN, PINAGBINTANGAN NYA PO AKO NA
DINUKOT KO DAW ANG PERA NYA NA NAGKAKAHALAGA NG PHP 2,500.00(TWO THOUSAND
FIVE HUNDRED PESOS). ANG SABI KO PO, "MRS, WAG HO KAYONG MAGBINTANG, DI KO
HO MAGAGAWA ANG SINASABI NYO, MAY TRABAHO PO AKO, MAY PERA AKO, MALINIS ANG
PAGKATAO KO, AT ISA AKONG INSTRUCTOR". AYAW HONG MAKINIG NUNG BABAE SA
PINAPALIWANAG KO... DAHILAN UPANG LAPITAN KAMI NG SECURITY GUARD AT IBA
PANG CLERKS NG SM MANILA. DAHIL PO SA AYAW MANIWALA NG ALE SA AKIN, AT
DAHIL PO PINAGBIBINTANGAN NYA NGA AKO, NILABAS KO PO ANG PERA KO SA HARAPAN
NYA. NUNG ARAW NA UN PO, MAY DALADALA AKONG PERA, 11, 000.00 (ELEVEN
THOUSAND PESOS) NA NAKALAGAY PO SA LOOB NG ZIPPER NG SINTURON KO. NILABAS
KO PO LAHAT AT SINABI KO SA KANILA NA MAY PERA AKO, AT HINDI KO MAGAGAWA
ANG IBINIBINTANG NYONG PANDURUKOT NG PERA NYO NA NAGKAKAHALAGA NG 2,
500.00. LALO PONG DUMAMI ANG TAO. PINAPUNTA PO KAMI SA OFFICE NG MANAGER NG
SM NG SECURITY GUARD.





ININTERVIEW NILA UNG NAGREREKLAMO, KINUHA NILA ANG SIDE KO. PINAPATUNAYAN
PO NG 2 SALES CLERK NG SM NA NAG ENTERTAIN SA AMIN NA WALA KAMING KASALANAN
DAHIL SA SIMULAT SIMULA NG PAGPUNTA NAMIN SA LOOB NG DEPARTMENT STORE AY
SIYA NA ANG NAG ASIKASO SA AMIN.





SA PALIWANAG PO NG ALE NA NAGCOCOMPLAIN, UN DAW PONG PAGKAKATUPI NG PERA
NYA AT NG PERA KO AY IISA KAYA LUMAKAS DAW PO ANG KUTOB NYA NA PERA NYA UNG
HAWAK KONG PERA.





TINANONG PA NGA PO NIYA AKO SA HARAP NG MANAGER KUNG MAGKANO ANG BINAYAD
KO. ANG SABI KO PO, 2000 (TWO THOUSAND PESOS PO) KC PO ANG PRESYO NG
BISEKLETA NG PAMBABY E MORE OR LESS 1,700 (ONE THOUSAND SEVEN HUNDRED
PESOS) INCLUDING THE BATTERY. ANG SABI PO NG ALE, SIGE... ILABAS MO ANG
500.00(FIVE HUNDRED


PESOS) KC 2,500 (TWO THOUSAND FIVE HUNDRED PESOS)LAHAT ANG PERA KO NA
TIGLILIMANGDAANG PISO. NILABAS KO PO ANG ISANG LIBO (2 TIG 500.00) SABAY
SABING SIGURO NAMAN PO E MANINIWALA NA KAYO NA HINDI AKO ANG TAONG NANDUKOT
SA INYO... TATLONG LIBO PO KASI ANG NASA BULSA KO, WALONG LIBO NAMAN PO ANG
NASA LOOB NG SINTURON KO... KUNG GUSTO NYO PO E BILANGIN NYO PA. PUMUNTA
LANG PO KAMI DITO SA SM PARA IBILI NG LARUAN ANG BABY NAMIN. ITO PONG
PERANG DALA DALA KO E PAMPABINYAG NG BABY KO...





AYAW PA RIN PONG MANIWALA NG ALE. PINALIWANAG NA DIN PO NG MANAGER NG SM NA
HINDI PORKE AKO ANG HULING NAKITA NUNG ALENG NAGREREKLAMO E AKO NA ANG
KUMUHA NG PERA, ANG DAMI DAMI KASING TAO SA MALL. NAGSALITA NA DIN PO ANG
SALES CLERK NA TALAGANG SA SIMULAT SIMULA NG PAGPUNTA NAMIN SA SM E SIYA NA
ANG KAHARAP NAMIN AT SIYA ANG NAG ASIKASO SA AMIN. SUBALIT KAHIT ANO PONG
PALIWANAG ANG GAWIN SPECIALLY NG MGA TUMITISTIGO NA WALA AKONG KASALANAN E
SARADO HO ANG TENGA AT AYAW MAKINIG NG ALE SA AMIN. DAHILAN UPANG SABIHIN
NG MANAGER NG SM NA KUNG HINDI MAAAYOS ANG PROBLEMA DITO SA LOOB E DADALHIN
NATIN SA PULIS.





SUMANGAYON PO AKO NA DALHIN NGA SA PULIS UPANG MATAPOS NA, TUTAL E MAYRON
NAMANG NAGPAPATUNAY NA WALA NGA AKONG KASALANAN. I REQUESTED THE MANAGER OF
SM MANILA TO LET THE 2 SALES CLERK AND SECURITY GUARD BE WITH US AT THE
POLICE STATION. HABANG UMAALIS PO KAMI NG MALL, E MAY TINAWAGAN UNG ALE SA
CELLPHONE NYA, AT SA TONO NG PANANALITA NYA E PULIS ANG TINAWAGAN NYA NA
MANGGAGALING PA SA CAMP CRAME. NAGTIWALA PO AKO SA MGA PULIS SA CITY HALL
NG MANILA KASI NGA PO MAY NAGPAPATUNAY NAMAN NA WALA AKONG KASALANAN.





PAGPASOK PO NAMIN SA PRESINTO, TINANONG NG PULIS KUNG ANO ANG KASO.
PINALIWANAG PO NUNG ALE. TINANONG PO NUNG PULIS KUNG ANO ANG PANGALAN KO,
SINABI KO PO. ANO DAW TRABAHO KO, SABI KO PO E INSTRUCTOR NG MARINDUQUE
STATE COLLEGE.





LUMABAS PO UNG PULIS, SINAMA UNG 2 SALES CLERK AT SECURITY GUARD AT DOON
KINAUSAP.





PUMASOK PO ULIT UNG PULIS SA PRESINTO, PINUNTAHAN UNG ALE SA INVESTIGATION
SECTION AT SINABI PO NA "MRS, MAHINA PO ANG KASO, HINDI PO YAN TATANGGAPIN
NG KORTE, WALA PO KAYONG EBIDENSIYA NA DINUKUTAN KYO NG TAONG NIREREKLAMO
NYO."





E HINDI PO, SABI NG ALE... SIYA LANG PO UNG TAONG NAKITA KO SA LIKOD KO
NUNG MAWALA UNG PERA KO....





"KAYA NGA PO, NAKITA NYO PO BA NA DINUKOT NYA NG ACTUAL UNG PERA NYO?"





"HINDI PO..."





"SO, WALA PO KAYONG KATIBAYAN NA DINUKUTAN NGA KAYO. AT ISA PA, MAY
NAGPAPATUNAY PO NA WALANG KASALANAN UNG TAO..."








... "PERO, KUNG GUSTO NYONG MAGSAMPA NG REKLAMO, E SIGE, MAGPA IMBISTIGA
KAYO... "





"KUNIN MO ANG STATEMENT NG ALE..." SABI NYA DUN SA ISA PANG PULIS...








BIGLA HONG DUMATING UNG PULIS NA TINAWAGAN NUNG ALE.





TINAWAG PO NYA AKO, UNG SECURITY GUARD AT UNG 2 SALES CLERK UPANG KAUSAPIN
SA LABAS.





LUMABAS PO AKO, NG AKTONG LUMALABAS PO AKO E SINITA AKO NUNG ISANG PULIS,
"HOY! SAAN KA PUPUNTA?"





"TINAWAG HO AKO NUNG PULIS NA KASAMA NUNG ALE" SABI KO...





AH, OK... SABI NG PULIS...








NUNG NASA LABAS NA PO KAMI, HINDI PO AKO NAGSASALITA, HINAYAAN KO PO NA UNG
MGA TESTIGO ANG MAGSABI KUNG ANONG NANGYARI... PAGKATPOS PO NON, KINAUSAP
AKO NUNG PULIS NA KASAMA NUNG ALE... ANG SABI NYA "ALAM KONG WALA KANG
KASALANAN, NAIINTINDIHAN KITA, GANITO NA LANG, IPAPALIWANAG KO SA IYO
HA..." "NANGYARI NA DIN KASI SA AKIN NA NAAGAWAN AKO NG KWINTAS NOONG ARAW,
AT HINDI KO NA NAKITA UNG NANG AGAW." "ANG GUSTO KASING MANGYARI NG TITA KO
E BAYARAN MO UNG PERANG NAWAWALA, KAHIT KALAHATI LANG NG 2,500 PESOS AT
HINDI NA NYA ITUTULOY ANG KASO."





NAPAIYAK PO AKO, AT SINABI KO SA KANYA NA ... "WALA NAMAN PO AKONG
KASALANAN, AT MAY NAGPAPATUNAY NA NGA PO NA WALA AKONG KASALANAN, SIR
NAMAN, ANG HIRAP HONG KITAIN NG PERA NGAYON, ANG HIRAP PO NG BUHAY..."








"E, MAHIRAP KA PALANG KAUSAPIN E... SIGE, KAUSAPIN MO ANG TITA KO... KUNG
MAY PERA LANG AKO E, AKO NA MISMO ANG MAGBABAYAD SA KANYA, PAG KASI SINABI
NYA, E SINABI NYA TALAGA AT TALAGANG GAGAWIN NYA..."








PUMASOK PO AKO NG PRESINTO AT KINAUSAP KO NAMAN UNG PULIS SA LOOB(BAUTISTA
PO ANG NAME PLATE NYA). NAGULAT NGA PO AKO NG SABIHIN NYA NA "ANG
MAITUTULONG KO LANG SA IYO E GANITO, ILABAS MO ANG PERA MO SA BULSA AT
MAGTIRA KA LANG NG PAMASAHE NYO PAUWI PARA MATAPOS NA ITO"





HINDI KO NA PO NAPIGILAN ANG SARILI KO AT TULUYAN NA AKONG UMIYAK. UMIYAK
NA DIN PO ANG MRS KO, PATI NA DIN PO ANG ANAK NAMIN NA ISANG TAONG GULANG
PA LANG.





"SIR, ALAM PO NINYO NA WALA AKONG KASALANAN... MAY NAGPAPATUNAY NA NGA PO
DI BA?"





"HINDI KO SINASABI NA MAY KASALANAN KA, GANITO HA... ISIPIN MO NA LANG PAG
NATULOY ANG KASO, MAGBABAYAD KA SA ABOGADO, MAGBABAYAD KA SA GANITO,
GANYAN, ETC. AT MAKUKULONG KA PA"





"BAKIT PO AKO MAKUKULONG E MAY TESTIGO NGA AKO NA WALA AKONG KASALANAN?"





"MAY REKLAMO KASI UNG ALE SA IYO... KUNG GUSTO MO E MAGMAKAAWA KA SA ALE
PARA HINDI NA NYA ISAMPA UNG KASO..." SABI NI BAUTISTA





"SIR, WALA PO AKONG KASALANAN, BAKIT AKO MAGMAMAKAAWA?"





"MAKUKULONG KA TALAGA..." SABI NI BAUTISTA








PAKIRAMDAM KO PO E PINAGKAKAISAHAN AKO NG MGA PULIS SA LOOB NG PRESINTO...





BIGLA HONG MAY IPINASOK NA MGA KRIMINAL, NAHULI DAW NILA UN. ANG LALAKI PO
NG KATAWAN, APAT NA TAO AT ANG BABAHO PO NILA.








SABI PO NI BAUTISTA, "ISA, DALAWA, TATLO, APAT, HABANG MINUMUSTRA SA DALIRI
NYA SABAY TURO SA AKIN... IKAW ANG PANGLIMA... MAGSISIKSIKAN KAYO SA LOOB,
KAWAWA KA JAN..."








"SIR, WALA PO AKONG KASALANAN..."





PINANGHINAAN NA PO AKO NG LOOB... AT DAHIL DITO, KINAUSAP KO NA PO ANG
ALE...





HINIHINGAN NYA PO AKO NG 2500 PESOS, ANG SABI KO, "MRS, ALAM NAMAN PO NINYO
NA WALA AKONG KASALANAN. ETO PO ANG 1000PESOS"





"HINDI PWEDE, KAILANGAN E KAHIT 2000PESOS , ANG YABANG MO KANINA SA SM DI
BA? ANG DAMI DAMI MO NGANG PERA SA LOOB NG SINTURON E AKINA ANG 2LIBO"





"MRS, 1500 LANG PO ANG KAYA KO, PAMPABINYAG KO PO UNG PERA KO NA NANDITO,
AT UUWI PA PO AKO NG MARINDUQUE NGAYONG GABI..."





KINAUSAP NG ALE UNG PULIS NA KASAMA NYA, "ANO, BINIBIGYAN NYA AKO NG
1500PESOS, OK NA BA UN? " SABI NG ALE.





"OO, OK NA UN" SABI NG PULIS NA KASAMA NYA.








"ANO, OK NA HO BA MRS? " SABI NI BAUTISTA





"OPO SIR, OK NA PO..."





"O, SIGE IBLOTTER NA NATIN ANG KASO"





NAKASULAT PO DOON NA AKO AY NAGING SUSPECT AT ANG NAGREREKLAMO E HINDI NA
INTERESADO NA MAGSAMPA NG KASO..





PINAPIRMA PO NYA AKO PATI NA RIN ANG ALE NA NAGPAKILALANG "ZENAIDA
GONZALES" 57 YEARS OLD AT EMPLEYADO DAW NG DECS. NAGPAKILALA PA PO SIYANG
TAGA MARINDUQUE DIN, SA BARANGAY MAGAPUA MOGPOG, MARINDUQUE"








PAGKATPOS KO PONG PUMIRMA, LUMABAS KAMI NG PAMILYA KO MORE OR LESS 7:00PM.
ANG SABI PO NUNG ALE, SASABAY KAMI SA INYO... KINABAHAN PO AKO, BAKIT SIYA
SASABAY SA AMIN SA PAG-UWI? ANO PA BA ANG GUSTO NYA?





HABANG KINAKAUSAP NG ALE UNG PULIS SA LOOB, E NAGLAKAD NA KAMI PALABAS NG
PRESINTO. SINABI KO SA SECURITY GUARD AT 2 CLERK NA PAKIHATID NYO NAMAN
KAMI SA PARADAHAN NG BUS PAPUNTANG CAVITE... AYAW KONG MAG TAXI, AYAW KONG
MAG FX, ANG SABI KASI NG ALE E SASABAY DAW SILA SA AMIN... KINAKABAHAN
AKO... SABI KO SA KANILA.... PLEASE NAMAN, IHATID NYO KAMI SA TERMINAL NG
BUS...








NILAKAD PO NAMIN FROM CITYHALL TO LAWTON TERMINAL NG BUS PERO WALANG
BIYAHENG CAVITE (PURO DASMARINAS, BATANGAS, ETC.) LAKAD ULIT KAMI TO
QUIAPO, MALAPIT PO SA BASKETBALL COURT, THEN HANGGANG MARATING NAMIN ANG
LAWTON SA MAY SSS BUILDING...





NG MAY DUMATING NA BUS, NAKAHINGA KAMI NG MALUWAG AT NAGPASALAMT KAMI SA
SECURITY GUARD AT CLERKS SABAY SABING "PAKISABI SA MANAGER NYO KUNG ANO MAN
ANG NANGYARI... UNG TOTOONG NANGYARI..." MARAMING SALAMAT SA INYO... HABANG
TINITINGNAN KO ANG BISIKLETA NG BABY KO...








KINAKABAHAN PA RIN PO KAMI HABANG NSA LOOB NG BUS, PERO ANG INISIP KO NA
LANG PO E KAHIT ANONG MANGYARI DITO SA LOOB NG BUS E MADAMING TAONG
MAKAKAKITA... MADAMING TETESTIGO...








KAYA, MGA KABABAYAN, KAIBIGAN, MAG-INGAT PO KAYO SA SM MANILA ... KUNG
MAIPARARATING NYO PO SA MANAGEMENT NG SM MANILA ANG EMAIL KO, MARAMING
SALAMAT PO. KUNG MAIPARARATING NYO PO KE TULFO, ITONG EMAIL KO, MARAMING
SALAMAT PO.





GANYAN PALA SA MANILA, MAY TUMITISTIGO NA NGA WALA KANG KASALANAN...
PERO... GANON PA RIN ANG GINAWA NG MGA PULIS NA TAGA CITY HALL NG MANILA...





"BAUTISTA" YAN LANG ANG NAKAUNIFORM NA PULIS NOONG NOV. 13, 2005 SA CITY
HALL NG MANILA...





PAANO KUNG WALANG TUMESTIGO? SIGURO, LALO AKONG KAWAWA...





IPARATING NYO PO ITO SA MGA KAIBIGAN NYO UPANG MAKAPAG-INGAT...





MARAMING SALAMAT PO,


LORIMER L. IMPERIO


MARINDUQUE STATE COLLEGE


INSTRUCTOR I

7 comments:

MarlonGarzon said...

kawawa naman.. may mga tao talagang mapagsamantala...

moulin said...

grabe na talaga ang hirap ng buhay ngaun pero hindi naman tama na gawin nating tong excuse para manlamang sa kapwa natin.mas masarap namang i profit ang pera kung pinagpawisan natin ito.Hindi natin kayang sukatin yung trauma na nadama nitong pamilyang nabiktima na dadalhin nila habang buhay..sana po ay makarating ito sa kinauukulan.ang hirap naman po kasi na hindi na tayo makapaglakad ng walang kaba sa sarili nating bansa..thank you po and more power sa pinoybox....



criselda buyet
fr.paris france

marie said...

sana po hindi kayo umiyak at nagpakita ng takot sa mga makakapal n mukhang umagrabyado sa inyo. kaya maraming abusado nakakaawa sila sa mga ginagawa nila may panahon p po at pag kakataon sana po ay mag karoon kayo ng lakas ng loob sa isumbong sa tamang tao ang umagrabyado sa inyo para kayo na po yung huling mabiktima nila nabanggit nyo po si tulfo bakit d po kayo yung mag sumbong eto po yung celfone number niya from bitag..0918 9346417 para mabigyan n po ng tuldok ang mga malalakas n loob na manloko ng kapwa wag po kayong manghinayang sa konting abala isasama ko po kayo sa dasal ko gumawa n po kayo ng action habang fresh p po ang lahat sa inyo wag po kayo matakot di nila kayo pababayaan.salamat po sa pag share..


marie
fr. canada

marie said...

2005 p po pala sobrang tagal na para trace pa lahat

edz said...

yes. matagal na tong nangyari, 2005 pa. ngayon ko lng kasi nabasa na may ganito palang scam sa manila.

marites said...

Salamat sa pagshare nyo ng inyong experience,alam kong maraming tao ang maaalarm,at magsisilbing aral ito.mahirap talagang kalabanin ang tao lalo na kung sila yung nagpapatupad ng batas,maaaring naisahan nila kyo sa ngayon,pero nakikita ng DIYOS ang lahat ng nangyayari,at pagbabayaran nila ang kanilang kasalanan sa panahong d nila inaaasahan.GOD bless PHILS.at sana makaahon na tyo sa kahirapan para mabawasan na rin ang ganitong pangyayari

babyaqua18 said...

Grabe naman nangyari syo,,,as a ofw here sa z├╝rich at laki din ako maynila kya alm ko na ang mga panloloko nila dyan.. kya ganyan tlga sa maynila maraming mga gago dyan kaya INGAT lang mga kabayan kasi sa dinami daming mga walang trabaho ngayon lalo na panahon ng krisis kumakalat na ang mga manggagantso at snatcher dyan sa sm manila kasi pati cell nga ng tatay ko ninakawan din sya dyan kya grabe dyan sa mall na yan,,,sana naman kpag may mga ganyang kaso eh magsumbong kayo sa imbestigador or xxx para tulungan kyo sa mga hinaing ninyo para maipaalam o ipaimbestigahan nila ito sa NBI o sa nakakataas na himpilan ang modus-operande ng mga mapagsamantalang hayop nato,, wag na wag sa mga pulis ng maynila kyo magtitiwala dahil yang mga yan mga BUWAYA karamihan dyan kya yan lng po ang aking payo sa nakararami...Kya INGAT and salamat sa pagbibigay ng babala.

Chitika

Infolinks In Text Ads

Disclaimer:

The Photos and Videos in this Blog belongs to their respective owners, Videos and Photos are only posted just for blogging purposes. We don't host any of the videos that are available on this website. We only provide links to them or post the video embed codes here.